ANG PALAYAIN KA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS

Your video will begin in 10
Skip ad (5)
webinarJam 30 day trial Link

Thanks! Share it with your friends!

You disliked this video. Thanks for the feedback!

Added by admin
48 Views
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
Ang Palayain Ka

Siguro ito na ang tamang panahon
Para kalimutan na ang lahat
Lahat ng mga ala-ala
Kasama ang taong minsang
Nagbigay ligaya at saya
At ang taong minahal ako
At minahal ko ng sobra

Siguro ganito talaga
May mga bagay na di mapipilit
na Panghabang buhay maging sayo
Dahil ito ay inilaan lamang ng
Pansamantala para sayo

Kaya kung hanggang dito nalang talaga ang tayo
Di man sang ayon ang puso ko
At di pa kayang tanggapin nito ang paglaho mo
Ay di ko hahayaang,
mabilanggo ako sa pinaniniwalaan kong di na totoo

ALam kong hindi na totoong mahal mo pa ako
Alam kong kahit na ano pang pilit ko
di ko na maibilik pa kung gaano ako noon kahalaga sayo

Wala ng ako sayo
Wala ng tayo
Di ako magsasawang paulit ulit na sasabihin
Ang katagang iyan sa puso ko
Hanggat nagpapatuloy itong pinipilit na mahalin ka
Ay di ako titigil na ipaalalang “wala ng pag-asa”

Wala na akong laban sa tadhana
Dahil sa punto palang na nawala ka
Parang ayaw niya na talagang maging akin kapa
Sa punto palang na minamahal pa kita at nagsawa ka na
ako’y talong talo na

Di ako sumuko sayo
Aaminin kong minsan akong nagpakatanga sayo
Wala akong ibang inisip kundi ikaw at ang nararamdaman ko
Pero habang tumatagal parang napagod narin ang puso ko
Kusang siya nalang ang sumuko

Siguro dahil wala ng natira
Yung kahit na alam kong mahal pa kita
Ay wala na akong maibibigay pa
Gustuhin ko man na mahalin ka katulad nung dati
Ngunit sa tuwing susubukan ko
bigla nalang akong nanghihina

Di ko alam pero siguro dahil naubos na ang ako
At wala ng natira pa na maibigay pa sayo
Ang limutin ka ay wala sa aking bukabularyo
Pero kasi wala na talaga
Wala na talagang natira
Ubos na ubos na ako
At siguro ito na ang
Pagkakataong susuko narin ako

Patawad , kung di na ako lumaban
Patawad kung hanggang dito nalang
Patawad kung isa ka sa mga taong dapat ko ng kalimutan
Patawad sapagkat di ko nakayanan
Di ko nakayanang tuparin ang pangako kong
Mananatili ako
Di ko nakayanang magpaubaya agad
Nung araw na sinabi mong hindi na ako

Minahal kasi kita
Minahal kita kahit alam kong ayaw mo na

Nagbabasakali kasi ko
Na kapag hihigitan ko
Magiging sapat ako
Na sa muli ako’y pipiliin mo
At mamahalin mo


Facebook Page
https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351

Tiktok
tiktok.com/@mercy.bless

Business Email
mercyblesscollaboration@gmail.com

Open Collab for all - send your original piece here :)
spokenwordpoetry17@gmail.com

Spotify
in God's perfect time, my songs, podcast and hugots will be on spotify.

FAQs:
Q. How old are you?
22

Q. Where do you live?
In the Philippines

Q. What camera do you use?
I use a Canon M50

Q. What mic do you use?
Maono AU-PM422

Q. What do you use to edit your videos?
I use Filmora 9 pro + Kinemaster pro + Adobe Premiere Pro
it depends on the video that i need to edit..

Q. Every When do you upload?
di ko rin alam haha

music:https://www.youtube.com/watch?v=VQ3rT6iX3Y4
subs count: 195,000 subscribers
Category
Music Spoken Word Music Category S

Post your comment

Comments

Be the first to comment