Ayoko ng muling sumugal (tagalog spoken word poetry)

Your video will begin in 20
Skip ad (5)
easy way to earn bitcoin

Thanks! Share it with your friends!

You disliked this video. Thanks for the feedback!

Added by admin
49 Views
Ayoko ng muling sumugal (tagalog spoken word poetry)


Ilang taong na ang lumipas mula ng huli akong magmahal,
Pagkatapos ng huli pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na ito hahayaang tumibok pa muli.
Hindi ko na hahayaan na masaktan at madurog muli.
Ilang taon bago ko muling nabuo ang puso ko na naiwang basag basag dahil nagmahal at nagtiwala ako..


Pero ito ka kumakatok sa sarado ko ng puso,
Nagpupumilit na bigyan ng pagkakataon na makapasok dito.
At hindi ko alam bakit bahagi ng puso ko ay nagsasabing pagbigyan kitang pumasok dito..

Dahil ba nami miss ko lang yong pakiramdam na may nagpapahalaga at nagbibigay ng atensyon?
Dahil ba naawa ako sa puso ko na antagal ng nakasarado at kailangan ko ding buksan ito at pumintig dahil sa salitang pag ibig?

Nakakatakot muling sumugal.
Nakakatakot muling magmahal,
Andaming alinlangan sa isip ko.
Pero ang totoo gustong gusto kong subukan muling magmahal at mahalin ng taong mahal ko..

Pero hindi ayoko ayoko ng muling magpatukso,
Ayoko ng muling makinig sa tibok ng puso ko,
Ayoko ng muling pagdaanan ang lahat ng sakit na napagdaanan ko ng sinunod ko ang sigaw ng puso ko.
Ayoko ng muling sumugal,
Dahil sobrang sakit ng matalo.

Papakiligin ka,
Tuturuang mangarap kasama yong taong mahal mo,
Ipaparamdam na masarap gumising araw araw kasama siya,
Ipapakita sayo na makulay ang paligid dahil sa kanya..

Pero sa dulo iiwanan ka,
Sasaktan gang madurog ang puso
mo,
Kaya ayoko na,
Tama na.

Hindi nila alam kung gaanong hirap araw at gabi ang pagdadaanan mo bago mo muling mabuo muli ang puso at sarili ko,
Pagkatapos ay dudurugin lang ito muli dahil lang sa magmamahal ako


#tagalogspokenwordpoetry #ayokongmulingsumugal #dearmanangcha
Category
Music Spoken Word Music Category S

Post your comment

Comments

Be the first to comment