HINDI TAYO PWEDE | SPOKEN POETRY | MERCY BLESS - COLLAB FOR ALL

Your video will begin in 20
Skip ad (5)
ultimate hustle

Thanks! Share it with your friends!

You disliked this video. Thanks for the feedback!

Added by admin
29 Views
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------

Nakakagaan na pag ibig pero sadiyang mapanganib,
Makatarungang nararamdaman at pangako na unti unti ring napapako,

Teka,tayo pa ba,saan na ba tayo,ayos parin ba?
Ayos parin ba ung relasyon na binuo nating dalawa,
Ayos parin ba ung dating pagsasamahan natin,
Sabay pumasok sa school,sabay sa pag uwi,sabay,sabay sa lahat ng bagay,

Naaalala mo pa ba ung dating kalokohan nating dalawa,
Sa mga bagay na pareho nating gusto,sa mga galaw na pareho tayong tumatawa,
Lahat ng ito ay lagi nating ginagawa dahil ang alam natin malaya na

Dshil ang alam natin wala ng hangganan ngunit sinabi ng tadhanang
Mali na,na hindi talaga tayong dalawa

Alam mo ung masakit,ung pinagtagpo tayo pero hindi naman talaga tayo
Pinagawa tayo ng masayang ala-ala pero ang pumalit ay sakit
Pina asa ako na may tayo pero ang tanga ko
Hindi ko inisip na may mahal kang iba at hindi ako,

Ang tanga ko dahil nahulog ako sa maling tao,
ang tanga ko dahil nagpalunod ako sa agos ng ilog,
At bigla nalang nasabit sa may bato,
dahil dun naman talaga yung direksyon ko,hindi sa'yo

Bakit ngayon pa,bakit ngayong masaya na tayo,
Bakit ngayon pang may hadlang
bakit hindi pa noong wala kang mahal na iba,

Bakit ngayon pa na may ala-ala na tayo,
Hindi ko kaya pero kailangan ng tapusin,
hindi ko kaya pero kumakatok na si tadhana,
na dapat itama na,at kailangan ng ibalik ung dating pagkakaibigan natin,
pero maibabalik pa kaya to kasi ikaw narin ang nagsabing
mali nato,kaya lalayo na ako
kahit di ko kayang umalis sa tabi mong nakasanayan ko,

Sa ngayon mag isa ako pero ala ala natin ay kasama ko,
Sa ngayon hinihintay ka
Sa ngayon pipilitin kong magsimula na at sundin ang sinasabi ng tadhana na
Pinagtagpo lang kayo pero di tinadhana,

Hanggang ngayon umiikot yun sa isipan ,
unti unting pinag iisipan pero di ko kayang lisan,

Umaasang babalikan dating pinagsasamahan
pero bigla kang dumaan sa aking harapan,
May ngiti na sa mukha,dumaan na di man lang ako nginitian ,
dumaan na parang wala kaming pinagsamahan,
Naisip ko,wala na nga,
tapos na pati pagkakaibigan na natitir'y bigla na ring kinalimutan,

Tama nga ang sabi ni tadhana,
na ang pagmamahal ko ay sobra pero di pa nakakalahati sa kaniya,
Nasobrahan ako sa katangahan at ako ngayon umaasa sa wala,
Nakatingala sa wala at nagtatanong kung hindi siya sino pa,
meron pa kayang hihigit sa kaniya?

Pareho tayong sumaya pero mag isa akong lumuluha,
sabay tayong gumawa ng ala ala
pero mag isa akong hinaharap ang kinalalabasan ng sinimulan nating dalawa,

Hindi,hindi pa to tapos at itoy isa lamang simula,
Ngayon kung kaya niya,kaya ko rin,
kung hindi siya ,alam kong darating din ang araw,
Ang araw na makilala ko ang mas mahal ako
at kaya akong tanggapin ng buo
Kaya tatayo na,ngingiti na
at ipagpatuloy ko na at sisimulan ang bagong
wala ka dahil ang totoo,pinagtagpo lang tayo pero di tinadhana.

--------------------------------------------------------------------------------
Facebook Page
https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351

Tiktok
tiktok.com/@mercy.bless

Business Email
mercyblesscollaboration@gmail.com

Open Collab for all - send your original piece here :)
spokenwordpoetry17@gmail.com

Spotify
in God's perfect time, my songs, podcast and hugots will be on spotify.

FAQs:
Q. How old are you?
22

Q. Where do you live?
In the Philippines

Q. What camera do you use?
I use a Canon M50

Q. What mic do you use?
Maono AU-PM422

Q. What do you use to edit your videos?
I use Filmora 9 pro + Kinemaster pro + Adobe Premiere Pro
it depends on the video that i need to edit..

Q. Every When do you upload?
di ko rin alam haha

music:https://youtu.be/1ly8xn2J_lE
subs count: 205,415 subscribers
Category
Music Spoken Word Music Category S

Post your comment

Comments

Be the first to comment