KAHIT PAGOD NA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS

Your video will begin in 20
Skip ad (5)
easy way to earn bitcoin

Thanks! Share it with your friends!

You disliked this video. Thanks for the feedback!

Added by admin
40 Views
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-----------------------------------------------------------------------

dadating, ang panahon
na bigla ka nalang madadapa
at wala ng lakas bumangon

biglang mapapalingon
sa laki ng hinaharap
na parang wala ng
pag-asang makaahon

napapagod ng abutin
ang mga minimithing
di na kayang liparin
nauubos ang lakas
sa pagsubok
na di nagwawakas

di nagwawakas
ang pagsubok
habang ang lakas
ay unti unti ng kumukupas

kung pwede lang sanang
tangayin ng hangin ang problema
tulad ng sa kung paano nito
tangayin ang alon at bagyo
kung pwede lang sanang
ibaon ang bawat sakit
na sa paggising ay di na
mararamdaman ang pait

pero eto,
sasapit naman ang gabi,
mga unan at kumot lang ang nasa tabi
iiyak ulit ng malakas, ng mabawasan
ang sakit na di kumukupas.

humahagulgul sa ilalim ng kumot
hanggang sa ang saya
ay lalamunin ng lungkot

ang mga ngiting iniingatan
ay ang natatanging sandata
kapag sila ay nasa aking harapan

nagpapatuloy na nagmumukhang masaya
hanggat malinaw pa ang salitang lumaban ka

ihahakbang muli ang mga paa
para sa mga taong naniniwalang malakas ka

di madadaig ng kalungkutan
ang sayang iniingatan
wala makakapahinto sa
magandang sinimulan
kakapit sa mga salitang pinanghuhugutan
na ang lahat ng pagsubok ay may hangganan

di magpapatalo sa hamon ng buhay
di bibitawan ang kamay ng gumagabay
dahil siya lang ang natatanging tagumpay
na laging nakahandang abutin ang mga kamay
ng pusong paunti unti ng namamatay

magpapatuloy kahit na pagod na
dahil ang lahat ng pinagdadaanan
ay may hangganan
ang lahat ng sinimulan
ay may patutunguhan

hindi ito ang oras
na sumuko sa laban
hindi ito ang panahon
na paiiralin ang kalungkutan

dahil ito ay nakalaan,
na matututunan mong lumaban
sa ninanais mong mapagtagumpayan

ito ay ang pagkakataon na maipakita sa mundo
na kahit na anong lakas pa ng bagyo at alon
ay kaya mong bumangon

kaya
magpatuloy ka kahit pagod na
magpapatuloy na manalig sa kanya
dahil kapag siya ang iyong kasama
siguradong magtatagumpay ka

kaya
subukan mong muling
ihakbang ang iyong mga paa
sa muling pagkakataon
maniwala kang kaya pa

hindi pa ito ang hangganan
ng lahat ng iyong sinimulan
ito ay simula pa lamang
ng mga bagay na nais mong
mapagtagumpayan

Kaya huwag mong papahintulutan
Na matalo sa kalagitnaan
Lagi mong tatandaan
Na hanggat gumagawa ka ng hakbang
Lahat ng ito ay may patutunguhan

Dahil andiyan siyang handa kang gabayan
Sa ano mang hinaharap mong laban
At siya ang iyong ama
Na di ka susukuan

Facebook Page:https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351
Tiktok : tiktok.com/@mercy.bless
Business Email : mercyblesscollaboration@gmail.com
Spotify: in God's perfect time, my songs, podcast and hugots will be on spotify.

FAQs:
Q. How old are you?
22

Q. Where do you live?
In the Philippines

Q. What camera do you use?
I use a Canon M50

Q. What mic do you use?
Maono AU-PM422

Q. What do you use to edit your videos?
I use Filmora 9 pro + Kinemaster pro + Adobe Premiere Pro
it depends on the video that i need to edit..

Q. Every When do you upload?
di ko nga rin alam haha

music: https://youtu.be/uyog-y5IOAg
subs count: 181,817 subscribers
Category
Music Spoken Word Music Category S

Post your comment

Comments

Be the first to comment