HINDI TAYO NASIRA
Hindi tayo naghiwalay
Hindi tayo nagkausap bago mawalay
Hindi tayo nasira
Hindi tayo lang ang nasira
Sa halip ay sinira mo ang lahat at ako'y iniwan
Sinira mo ang lahat ng ating pinaghirapan
Sinira mo ang ating pinagsamahan
Hindi mo tinupad ang iyong mga pangako
Sinira mo ako
Hindi ko namalayan na nagsasawa ka na pala
Hindi ko namalayan na iiwan mo 'ko bigla
Pansin ko namang may iba na
Dahil sa tuwing uuwi ka ay telepono agad ang bungad sa mata
Iignorahin ako na para bang wala kang kasama
Na para bang hindi mo 'ko katabi
Nakikita ko kung pa'no ka ngumiti
Kung pa'no magliwanag ang iyong mukha sa tuwing kausap mo siya
Sa kung pa'no mo gawin sa kaniya ang mga bagay na sa'kin ay hindi mo na ginagawa
Sinira mo ang ating pagsasama
Maging ang ibinigay kong tiwala
Ang dating masaya ay nawala
Ang dating walang kinakatakutang ako ngayon ay natatakot na
Takot nang magmahal muli
Takot nang mag-alaga muli
Ayoko nang muling madaya
Takot nang magparaya kahit ayaw pa sana
Ayaw maulit ang naramdaman sa'yo
Naging masaya nga ako
Ngunit mas doble naman ang sakit na nabigay mo
Naniwala ako
Pinaniwalaan ko ang sinabi mong iibigin mo ako ng buo
Naniwala ako sa sinabi mong ako lang hanggang dulo
Na sa'kin ikaw ay kontento
Ang sabi mo ay hindi mo 'ko sasaktan
Nangakong walang iwanan
Marami akong inasahan
Pero sa huli ako pala ay iiwan
Mas pinili mong sugatan ang puso
Mas pinili mong sirain ang pangakong ikaw naman ang bumuo
Hanggang ngayon ay tinatanong pa rin kung bakit mo ako iniwan
Bakit mo nga ba sinira ang lahat ng ating pinaghirapan?
Ang sabi mo ako'y iyong ilalaban
Inilaban naman natin
Nagbigay ng mga pangako
Pero hindi mo tinupad ang sa'yo
Ikaw pa 'tong takot na maiwan ko
Ngunit ikaw lang din pala ang mawawala sa dulo
Hindi tayo nasira
Dahil ikaw ay madaya
Sinira mo ang puso ko
Sinira mo ang sarili ko, ang ulo ko
Ginulo mo ang buhay ko
Ayos naman sana ako kaso nagpumilit kang pumasok sa buhay ko
Kung mang-iiwan ka lang din naman pala sana hindi na lang ako
Sana hindi mo na lang ako ginulo
Dahil ngayon ay mas mahihirapan akong muling bumangon
Nahihirapan na akong ikaw ay kalimutan
Hindi tayo ang nasira
Ako lang dahil masama ka
Sinira mo ang puso ko
Winasak mo ako
At ako'y iniwan mo sa dulo
#poetry #sad #tagalogpoetry #spokenpoetry #spokenword #spokenwordpoetry

- Category
- Music Spoken Word Music Category S
- Tags
- Spoken word poetry, Spoken poetry, Love poetry
Comments